Local News

Appointment ng bagong Municipal Health Officer ng Basud nakakuha ng pag sang- ayon sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Nagbigay na ng concurrence ang Sangguniang Bayan sa appointment ng bagong Municipal Health Officer ng Basud, Camarines Norte na ilang taon ding nabakante.

Sa regular na sesyon noong Lunes, mabilis na nagbigay ng pag sang- ayon ang konseho sa appointment ni Dr. Joel Paolo A. Delos Reyes bilang Municipal Government Department Head 1 o Municipal Health Officer.

Personal na humarap sa konseho si Delos Reyes bitbit ang mga kinakailangang dokumento upang hingin ang concurrence nito.

Si Delos Reyes na ipinanganak sa bayan ng DaetĀ  ay residente ng Barangay Laniton Basud.

Nagtapos ng elementarya sa Daet Elementary School at sekundarya sa Camarines Norte State College Laboratory High School.

Nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing noong 2012 sa Bicol University.

Noong 2018 ay nagtapos naman ng Doctor of Medicine at Master in Public Administration Major in Health Emergencies sa Bicol University College of Medicine.

Bago itinalaga bilang MHO ay nagtrabaho si Delos Reyes bilang Medical Officer III ng Camarines Norte Provincial Hospital atĀ  Bicol Medical Center.

BNFM Daet

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

1 day ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

1 day ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

1 day ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

1 day ago