Approval ng Bicol IATF kailangan bago makapagdeklara ng lockdown ang isang LGU- DILG

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi maaaring basta na lamang mag deklara ng lockdown ang mga Local Government Units nang hindi inaaprobahan ng Bicol Inter Agency Task Force.

Ginawa ng ahensiya ang pahayag sa gitna na rin ng pagdedeklara ng granular lockdowns ng ilang mga LGU dahil sa mataas na kaso ng COVID- 19 sa kani- kanilang lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet inihayag ni Engr. Lara Mae Baptisma, Local Governance Capacity Development Section Head ng DILG Provincial Office na kailangan munang i- comply ng LGU ang mga rekisitos bago magdeklara ng lockdown.

“Itong guidelines na ito last year pa na isyu pero ni- reiterate po namin this year kasi meron pong mga Local Government Units na nagde-declare po ng mga lockdown even without po the concurrence of Bicol Inter Agency Task Force,” ani Baptisma.

Paliwanag ni Baptisma na mayroong tatlong set of parameters para magdeklara ng lockdown ang isang LGU.

Critical zone kapag sa loob ng 500 meter- radius ay mayroong probable, confirmed o suspected cases.

Sa labas ng critical zone ay ang tinatawag namang containment zone na panibagong  500 meter radius at at 500 meter radius ulit dito ay ang tinatawag na buffer zone.

Ang sunod na 500 meters ay tinatawag namang outside the buffer zone.

“Before sila makapag- declare ng critical zone ang isang barangay, dapat po yung greater ng 1000 kilometer per square meter na population po, dapat po meron silang ma- identify na 5 clustered cases, pag sinabi po nating cluster of cases sir, kunyari po sa isang barangay merong 5 Purok, dapat po yung 3 Purok doon o dalawang purok doon meron po siyang suspected, confirmed or probable case po na COVID 19, saka mo lang po siya madi- declared na critical zone.”

“So kung less than 1000 per kilometer square yung population ng barangay kahit dalawang cluster cases po dun pwede mo na siyang ma -declare as critical zone”.

Maging sa isang gusali at sa mga subdivision umano ay pwede ring magkaroon ng cluster cases.

“Ang isang building pwede rin siyang maging cluster cases po kunyari po sa isang commercial building meron siyang limang units na pinapaupahan, yung dalawang units po dun ay mayron siyang probable confirmed or suspected cases po ng COVID yung isang building po pwede nang i declare as critical zone.”

“Kung sa isang subdivision po kung maraming bahay po doon o clustering of cases po sa bahay pwede n po siyang i- declare as critical zone”.

Ginagawa umano ang mga ganitong stratehiya para maiwasan ang economic lost sa isang munisipyo o probinsiya.

Batay sa spot mapping, kapag critical zone ay ipapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified General Community Quarantine (MGCQ) naman kapag containment zone, at General Community Quarantine (GCQ) sa buffer zone habang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa outside buffer zone.

Kapag umabot sa 25 % ng bilang ng mga barangay sa isang munisipyo ay apektado, pasok na ito sa critical zone at maaari nang ideklara ang ECQ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *