April inflation – maglalaro sa 3.5 -4.3% ayon sa BSP

Posibleng pumalo sa 3.5 hanggang 4.3% ang inflation sa buwan ng Abril.

Ito ang iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas pagdating sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyon.

Isa pa rin sa tinitingnang dahilan nito ay ang nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, karne, at produktong petrolyo.

Kasabay nito, nakaaapekto rin ang paghina ng halaga ng piso.

Pagtitiyak ng BSP – nakabantay sila sa mga sitwasyong posibleng maging dahilan ng pagtaas ng inflation, at makahahadlang sa paglago ng ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *