Aprubadong fare adjustment sa LRT-2 magsisimula nang ipatupad sa Miyerkules

Sisimulan nang ipatupad ang bagong fare Matrix sa LRT 2 sa Miyerkules, ika-2 ng Agosto.

Ayon sa Light Rail Transit Authority- LRT2, mula sa dating P11 na minimum boarding fee ay aakyat na ito sa P13.29.

Samantala, mararamdaman din ang dagdag P1.21 na bayad sa bawat kilometrong biyahe na dating nasa P1 lang.

Mula naman sa dating P12 na stored value card o “Beep card” ay magiging P14 na ang minimum na pamasahe rito.

Habang mananatili naman sa P15 ang dating minimum fare para sa mga single journey ticket.

Kung matatandaan, ayon kay Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino binase nila ang kanilang desisyon sa pagkakaroon ng fare adjustment mula sa inannounce ng Pangulo na nag-improve na ang inflation rate ng bansa noong ika-6 ng Hunyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *