Araw-araw na pa-presscon sa Kamara – dinepensahan

Nilinaw ni Deputy Speaker Tonypet Albano na hindi nila ginagamit ang araw-araw na press conference sa Kamara upang batikusin ang sinuman at magpakalat ng mga maling balita.

Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni Albano na taliwas sa paratang ng ilang senador ay walang lugar dito ang pamba-bash at pagbanat sa anumang institusyon.

Ipinaliwanag nito na Hunyo pa lamang noong 2022 o sa pagsisimula ng 19th Congress ay na-conceptualize na ang daily press conference.

Layon aniya nito na ipaalam sa publiko ang mga ginagawa ng Kamara pati na ang mga natapos na trabaho at legislation at kung ano pa ang mga nakabinbin.

Gayunman, may mga pagkakataon umano na kailangang ipagtanggol ng mga mambabatas ang integridad ng Kamara de Representantes bilang isang institusyon at itama ang mga kasinungalingan.

Giit pa ni Albano, walang sinuman ang may karapatan na kwestyunin o ipatigil ang araw-araw na press conference at sa halip na masamain ay dapat pa itong purihin dahil bukas sila at handang magpaliwanag.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *