Archdiocese of Caceres nagpaalala sa tunay kahulugan ng All Souls’ Day ngayong tila nalilihis na ang gawain ng marami

NAGA CITY- Tila nalilihis ang gawain ng marami sa tunay na kahulugan ng All Souls Day maging ng All Saints’ Day.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Louie Occiano, Head ng Caceres Commission on Communication, kapansin-kansin kahapon na kontra sa pag-alala sa mga Santo ang mga costumes at gawain, gayundin sa araw ng mga kaluluwa. Dapat aniya ipagpanalangin ang mga pumanaw na at hindi gawing panakot.

Pinalalakas ng simbahan ang mga aktibidad ng pag cocostume, hindi ng mga aswang, tikbalang, multo o anupaman kundi ng mga santo.

Kanina paisa-isa na lamang ang pumupunta sa mga puntod, balik na sa dati ang katahimikan ng mga sementeryo sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *