Arrest order kay Quiboloy, nilagdaan na ng Senado

Opisyal nang naglabas ng arrest order ang Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy matapos ang paulit-ulit na hindi pagsipot sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Iniisyu ito isang araw matapos sabihin ng naturang komite na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros na ‘nowhere near satisfactory’ ang inihaing tugon ni Quiboloy sa show cause order na ipinadala ng Senado.

Ang arrest order ay nilagdaan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Risa Hontiveros.

Sa kasalukuyan, wala pang komento at reaksyon ang kampo ng Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *