Arroyo: itinanggi na siya ang nangako na alisin ang BRP Sierra Madre

Itinanggi ng dating Pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na siya ang nangako sa Beijing na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ipinunto naman ni dating Pangulong Arroyo na hindi siya nangako sa kahit sinong bansa at hindi rin siya nagbigay ng utos sa isang opisyal sa gobyerno para mangako sa China.

Dagdag pa niya, kamakailan lang nito nalaman ang isyu na tatanggalin ang barkong isinadsad sa dagat noong nilabas na sa mga pampublikong talakayan.

Una nang sinabi ng dating spokesperson ni Arroyo na si Roberto Tiglao na ang nag-utos na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay si

dating Pangulong Joseph Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *