ASEAN leaders, palalakasin pa ang maritime security cooperation

Nangako ang mga lider ng South East Asian Nation at Japan na patatatagin pa ang kanilang commitment sa maritime security cooperation, kasabay ng pagsusulong ng integridad ng teritoryo, mapayapang paglutas ng alitan, at pag-iwas sa paggamit ng dahas.

Ayon sa draft ng kanilang joint statement, layon ng ASEAN at Japan na itaguyod ang isang rules-based Indo-Pacific region na malaya at bukas, sumusunod sa mga pangunahing prinsipyo tulad ng pagkakaisa, kahalagahan ng ASEAN, pagsasama-sama, at pagiging tuwiran, na sumusuporta sa proseso ng pagbuo ng ASEAN community batay sa UN Charter at ang TAC (Treaty of Amity and Cooperation).

Ang communique, na tinawag na Joint Vision Statement on ASEAN-Japan Friendship and Cooperation, ay ilalabas sa gitna ng international concerns dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa ilang hotspot area sa South China Sea, kabilang ang Ayungin, at Bajo de Masinloc.

Hindi naman nabanggit sa draft ang China, kabilang ang mga specific details ng mga insidente kamakailan sa South China Sea, gaya ng naging kaugalian noon ng ASEAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *