ASec. Santiago ng DOH inikot ang ilang bahagi ng Camarines Sur kaugnay ng Chikiting Bakunation Days

NAGA CITY- Muling nagkaroon ng Chikiting Bakunation Days, kahapon umikot ang ilang opisyal ng Department of Health sa ilang lugar sa Camarines Sur.

Pumunta sina Asec Nestor Santiago Jr., Regional Director Dr. Ernie kasama pa si DOH Camarines Sur officer Dr. Rey Millena sa Brgy. La Medalla ,  Baao, Camarines Sur, gayundin sa house-to-house vaccination sa Brgy. Buluang sa parehong bayan.

Tinungo pa ang Barangay San Jose , Pili para sa parehong aktibidad. Ayon kay Mayor Tom Bongalonta, willing ang mga magulang na pabakunahan ang mga bata dahil ang bakunang dala ay panlaban sa Polio, Measles, Rubella, Mumps, Tetanus, Pertussis, Diptheria at iba pa.

Ito aniya ay dapat na bigyang pansin dahil sa nakalipas na dalawang taon , nakatutok sa COVID-19.

Mababatid na ang  Chikiting Bakunation Days ay isinasagawa tuwing huling Huwebes at Biyernes ng buwan simula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *