Aso sa New York, instant hero matapos mailigtas ang isang simbahan sa sunog

Itinuturing ngayong bayani ang asong si Bear sa New York matapos na maisalba ang isang simbahan mula sa pagkasunog sa tulong nito.

Ayon sa may-ari nitong si Kim Lewis, nagising siya dahil sa malakas na tahol ng kanyang alagang 4-anyos na German Shepherd na si Bear Linggo ng umaga.

Anya, kakaiba ang tahol ng aso. Pagbukas niya ng blinds ng bintana ay dito niya na nakita ang nasusunog na simbahan.

Agad siyang tumawag sa 911 at agad namang naapula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero.

Ayon sa church administrator na si Lisa Wain, aabot sa $50,000 ang iniwang pinsala ng sunog at maaari umanong mas malaking pinsala pa ang naidulot ng sunog kung hindi ito naagapan, salamat kay Bear.

Sa Hulyo ay ipagdiriwang ng nasabing simbahan ang ika-50 anibersaryo nito at bilang pasasalamat ay ipinost nila sa kanilang Official facebook page ang tribute para kay Bear na tinawag nilang “the best dog in the world.”

Ayon sa bumbero, electrical problem ang sanhi ng sunog.# || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *