Asosasyon ng mga kawani at empleyado sa LGU-Jose Panganiban, opisyal ng rehistrado sa DOLE at CSC

Opisyal nang rehistrado sa Department of Labor & Employment at sa Civil Service Commission ang Jose Panganiban Municipal Employees Association o JPMEA

Ito ang asosasyon ng mga kawani at empleyado ng LGU Jose Panganiban

Sa ibinigay na impormasyon ng Public Information Office ng naturang LGU, layon nito na mapahalagahan at mabigyang boses ang ang karapatan ng mga opisyales at mangagawa ng munisipyo gayundin ang pagkakaroon ng Collective Negotiated Agreement (CNA) sa pagitan ng mga empleyado at LGU.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang lahat ng empleyado sa pagbibigay importansya ng LGU sa kanilang kapakanan at karapatan lalong higit ngayong panahon ng pandemya.

(photo courtesy: PIO Jose Panganiban)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *