Assessment at validation sa mga irigasyon, sinasagawa ng APAO bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

LEGAZPI CITY – Kasalukuyang ipinagpapatuloy ng Albay Provincial Agricultures Office (APAO) ang pagsasagawa nila ng assessment at validation sa existing irrigations sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Assistant Provincial Agriculturist Daryl John Buenconsejo, sinabi niya na ito ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa posibleng malalalang epekto ng El Niño phenomenon sa Albay.

Aniya, kailangan nilang i-workout at siguraduhing maayos ang mga irigasyon sa lalawigan upang hindi magkaroon ng problema oras na dumating at maramdaman ang matinding tagtuyot lalung-lalo na sa mga lupang sakahan.

Maliban dito, sinabi rin ni Buenconsejo na nagkakaroon din sila ng Information Caravan para sa mga magsasaka upang bigyang-diin sa mga ito ang mga dapat nilang gawin oras na dumating ang phenomenon lalo na ang mga paraan sa pag-iimbak ng tubig.

Samantala, inanunsyo rin niya na sufficient ngayon ang supply ng mga bigas sa Albay, at good news din na maikokonsidera na hindi kasama ang lalawigan sa mga apektado ng El Niño sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *