Assessment sa pagbaha sa South Cotabato, patuloy!

KORONADAL CITY — TULOY-TULOY ang isinasagawang assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng South Cotabato sa iba’t-ibang bayan sa probinsiya na labis na naapektuhan ng pagbaha.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay PDRRMO OIC Rolly Doane Aquino, may mga imprastrukturang nasira dahil sa kalamidad sa mga bayan ng Banga at Norala.

Sa Norala, inihayag sa Brigada News FM Koronadal ni MDRRMC Officer Aiza Lim na anim na mga barangay ang labis na apektado na kinabibilangan ng Puti, BS Aquino, San Miguel, Dumaguil, Simsiman, at Matapol.
Ayon kay Lim ekta-ektaryang palayan at iba pang agricultural products ang hindi na mapapakinabangan dahil sa pagbaha.

Sa kabuuan, isa ang patay, isa ang missing at 27 pamilya ang inilikas dahil sa pagbaha sa bayan ng Norala.
Sa bayan naman ng Banga, tinatayang nasa P4 million hanggang P5 million ang iniwang pinsala ng pagbaha.

Ayon kay Banga MDRRMC Officer Joseph Franco, 34 na ektarya nga mga taniman ang sinira ng pagbaha maliban pa sa mga alagang hayop na namatay matapos tinangay ng tubig mula sa apat na mga barangay nito na labis na naapektuhan.

Nasa 100 pamilya naman ang inilikas dahil sa pagbaha sa bayan ng Banga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *