Assessment sa pinsala sa Davao Region, isusumite sa liderato ng Kamara

Nakatakdang magsumite ng ulat si Davao De Oro First District Representative Maria Carmen Zamora kay House Speaker Martin Romualdez ukol sa naging tugon sa mga apektado ng baha dulot ng walang patid na pag-ulan na dala ng shearline.

Ayon kay Zamora, nagpapatuloy ang pangangalap nila ng datos hinggil sa halaga ng pinsala sa Davao Region ngunit malaki na ang epekto sa imprastraktura at agrikultura.

Pinatututukan din nito sa Department of Agriculture ang pagtulong sa mga magsasaka dahil malawak ang pinsala ng baha sa mga pananim.

Iginiit ng kongresista na lubhang napinsala ng baha ang bayan ng Compostela na nagsisilbing rice granary ng Davao Region kaya maraming magsasaka ang naapektuhan ang kabuhayan.

Mababatid na umabot sa 35 million pesos ang inilabas na ayuda ng Kamara kasama ang distribusyon ng 17,500 food packs sa pitong distrito sa Davao Region na nakaranas ng pagbaha at landslide.

Nagmula ang pondo sa Office of the House Speaker at sa Tingog Party-list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *