Asynchronous may benipisyo rin sa mga guro-DepEd Naga

NAGA CITY – Naiiwas sa anumang masamang epekto ng matinding init ng panahon ang mga teachers dahil sa kasalukuyang ipinatutupad na asynchronous classes sa buong Division of City Schools, ayon ito kay Fernando “Boy” Macaraig Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Naga, kaya nakakatiyak silang maganda ang health status ng mga guro.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Macaraig ipinaliwanag niya na sa ganitong sistema hindi ma-e expose sa init ang guro lalo na kung hindi “well-ventilated” ang classroom na puwedeng maging dahilan ng pagkakasakit ng mga ito.

Anya’y lahat sila ay benepisyaryo ng asynchronous classes, hindi lang sa mga bata kundi silang ring nasa DepEd mula sa mga guro at maging sa mga opisyal na air-condition ang karamihan sa mga opisina.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *