Ate Gay, nagpasalamat sa mga kaibigan na tumulong sa kaniya nang siya ay ma-ospital

Inihayag ni Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay na hindi nabigo ang kaniyang mga kaibigan sa paghahatid sa kaniya ng tulong sa gitna ng kaniyang matinding pangangailangan noon.

Kabilang na rito ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Vice Ganda at Ogie Diaz.

Agad naman nagpasalamat si Ate Gay nang siya ay makapanayam ni Ogie.

Sinabi ni Ate Gay na alam ni Ogie na isa siya sa mga artista na wala masyadong ipon, kung kaya’t ito marahil ang rason kung bakit siya kaagad binigyan ng tulong.

Ipinunto din ng komedyante na naramdaman niya ang puso ni Vice Ganda para sa mga kaibigan nito sa showbiz, dahil nagawa siyang tulungan nito kahit nagkaroon sila ng alitan dati.

Kung maalala ay sinabi ni Ate Gay na hindi nito nagustuhan ang mga komento ni Vice nang sabihin nito na natanggal siya sa Celebrity Edition ng isang singing contest dahil sa kaniyang Facebook rants.

Matatandaan na naospital noon si Ate Gay dahil sa isang rare at serious skin condition na kung tawagin ay toxic epidermal necrolysis (TEN).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *