Human Interest

Attempted Rape accused sa India, pinarusahang maglaba at mamalantsa ng damit ng 2k kababaihan

Libreng laba kasabay na ang pamamalantsa ang ibibigay ng isang 20-anyos na lalaki sa India para sa lahat ng mga kababaihan sa kanilang barangay sa loob ng anim na buwan.

Ito ay bilang kapalit ng kanyang kalayaan matapos na maakusahan sa tangkang panggagahasa. Bago naaresto nitong Abril ay dati nang labandero si Lalan Kumar.

Bukod sa paglalaba ay sagot din nito ang sabon at iba pang kakailanganin sa kanyang free laundry services para sa nasa 2,000 babae sa Majhor village sa Bihar state.

Ayon sa pinuno ng village na si Nasima Khatoon, ikinatuwa ng lahat ng mga babae sa kanilang lugar ang naging desisyon ng korte sa naging parusa kay Kumar.

Anya, makasaysayan ang naging desisyon ng korte at makakatulong din ito upang maitaugyod ang respeto sa kababaihan at maprotektahan ang kanilang dignidad.

Ayon naman kay Anjum Perween, maganda ang mensahe sa pamayanan ng kakaibang parusang ito lalo na pagdating sa mga usaping may kinalaman sa kababaihan. || Shiela Madrigalejos

BNFM Bicol

Recent Posts

Defense ministers ng PH, Japan, US, Australia – magpupulong sa Mayo

Ibinunyag ni Japanese Defense Minister Minoru Kihara na nakatakda siyang makipagpulong sa kanyang mga katapat…

5 mins ago

Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika…

14 mins ago

Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong…

20 mins ago

SILG Abalos, nanguna sa mga top performing Cabinete secretaries ng pamahalaan – survey

Nanguna si Interior Secretary Benhur Abalos sa top performing Cabinete secretaries ni Pangulong Bongbong Marcos…

21 mins ago

Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River,…

26 mins ago

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

33 mins ago