Auction sale ng real properties sa So.Cot, kasado na sa November 22

KORONADAL CITY- MULING nananawagan ang Provincial Treasurers Office o PTO South Cotabato sa mga real property owners na bayaran na ang kanilang delinquent taxes upang hindi mapabilang sa isasagawang auction sale sa November 22.

Kaugnay nito, hinihikayat ng PTO ang mga nakatanggap ng Notice of Deliquency na magtungo sa mga municipal treasurers office o sa PTO upang i-settle ang kanilang obligasyon at matanggal ang pangalan sa listahan ng mga ipasusubastang ari-arian.

Ang mga tax payers ay maaari ding pumasok sa compromise agreement upang mabayaran ang kanilang buwis sa installment basis.

Napag-alaman na nasa 2,290 na mga real property units ang kasali sa publication para sa auction sale na may kabuuang P 94 million tax due.

Karamihan sa mga ito ay mga agricultural at residential land na matagal na panahon na na hindi nababayaran ang buwis.

Sakop ng auction sale ang 10 mga bayan sa South Cotabato at hindi kasali ang Koronadal City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *