Audition para sa Search for So.Cot Pop Idol, isasagawa

KORONADAL CITY – ITINAKDA sa June 17 ang audition para sa Search for the South Cotabato Pop Idol na bahagi ng pagdiriwang ng T’nalak Festival sa buwan ng Hulyo.

Ito ay bukas sa mga residente ng South Cotabato na may edad 18 hanggang 30 anyos.

Sa mga interesadong sumali, magsumite lamang ng photocopy ng birth certificate at barangay certification sa Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) bago ang deadline sa June 16.

Ang audition ay isasagawa sa covered court ng provincial capitol sa Sabado, alas 8:30 sa aga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *