Australia, mas palalakasin pa ang pwersa sa Navy

Nagbalangkas ng isang dekadang plano ang Australia na doblehin ang bilang ng kanilang mga pangunahing barkong pandirigma at palakasin pa ang kanilang depensa.

Dahil dito, nagdagdagan ng $7 billion ang kanilang ilalaan rito, sa gitna ng mabilis na karero hinggil sa armas sa Asia-Pacific.

Sa ilalim ng kanilang plano, makakakuha ang Australia ng 26 major surface combatant ships, mas mataas kumpara sa bilang ng mayroon sila ngayon.

Ayon kay Defense Minsiter Richard Marles, ito na ang pinakamalaking fleet ng bansa simula nang matapos ang World War II.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *