‘Automated Weather Station’ isinusulong sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte

DAET – Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture – Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Regional Office – Region V ang naitayo ng Automated Weather Station sa Brgy. Mataque sa bayan ng Capalonga sa lalawigan ng Camarines Norte.

Katuwang ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Engr. Ariel C. Parale Jr., Research and Planning Chief, Bernard N. Muyco Admin. and Training Chief, Municipal Engineering Engr. John Fhilip Orit at Municipal Agriculture Offices ng LGU Capalonga Capalonga ay nagsagawa ng pagpupulong kaugnay sa naitayong Automated Weather Station sa Brgy. Mataque.

Kung saan pinag-usapan dito ang mga gagawing hakbang at mga pagpaplano upang mas maging kapaki-pakinabang at paano mas makakatulong ang nasabing weather station sa ibat ibang sektor lalong lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.

Ang Early Warning System (EWS) o Automated Weather Station (AWS) ay isang paraan para maayos, mabilis at mas maihahatid ang weather update natin sa mga mamamayan ng Bayan ng Capalonga.

Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay isang pagpapakita na umuunlad at progresibo ang isang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *