Average daily COVID-19 cases sa NCR, bumaba sa 1,023 – OCTA Research Group

Bumaba ng 23 percent o sa 1,023 ang average number ng bagong COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo. 

Sa latest report ng OCTA Research group, bumaba sa 1,023 ang mga kaso ng virus mula May 20 hanggang May 26 na mayroong average daily attack rate na 7.41.

Habang ang positivity rate naman sa rehiyon ay bumaba sa 10 percent mula Mau 19 hanggang 25, bahagyang mas mataas kaysa sa target na mas mababa sa 5 percent. 

Kaugnay nito, ang reproduction number naman sa rehiyon ay naitala sa 0.52 sa nakalipas na linggo.

Ang reproduction number na 1 o mas mataas ay isang indikasyon ng patuloy na transmission ng virus. 

Sinabi ng OCTA na ang healthcare utilization rate sa NCR ay nasa 42 percent habang ang ICU occupancy ay nasa 57 percent. 

Mababatid na una nang inanunsyo ng OCTA na nag-improve na ang rehiyon mula sa pagiging high-risk patungo sa moderate-risk area para sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.