Average number ng new COVID-19 cases sa M.Manila, bumaba ng 17% – OCTA

Bumaba ng 17 percent ang average number ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa nakalipas na pitong araw.

Ayon sa OCTA Research, naitala sa Metro Manila ang average na 926 bagong COVID-19 cases mula June 4 hanggang 10, mas mababa kaysa sa average na 1,118 bagong COVID-19 cases mula sa nagdaang linggo.

Batay din sa report ng research group na ang reproduction number sa NCR para sa nakalipas na linggo ay nasa 0.72 habang ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 6.7 na nangangahulugang moderate ang risk level sa rehiyon.

Bumaba rin sa 8 percent ang positivity rate sa NCR habang bumaba sa 36 percent ang hospital care utilization na mayroong ICU occupancy rate na 49 percent.

Binigyang diin din ng OCTA Research na ang karmaihan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ay nakapagtala ng ADAR na mas mababa sa 10 per 100,000 population, na syang naglalagay sa mga lokalidad sa moderate risk level. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *