AWOL na pulis arestado sa drug buy bust operation sa Naga City

NAGA CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng dating miembro ng Philippine National Police matapos na maaresto ng mga tauhan ng PNP katuwang ang iba pang law enforcement unit sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation kahapon Disyembre 28, 2023.

Nakasaad sa ulat ng Naga City Police Office, bandang 4:25 ng hapon kahapon ng maganap ang operasyon sa Barangay Cararayan.

Sa pamamagitan ng pakikipagtransaksyon ng suspek sa operatibang pouser buyer sa halagang 5,000 gamit ang boodle money.

Nang kapkapan ng mga awtoridad nakuha sa posisyon ng suspek ang kaunting halaga ng pera mula sa kaniyang tricycle at hinihinalang illegal na droga nagkakahalaga ng P6,800.00.

Ayon pa sa ulat ng Naga City Police Office,  ang naarestong suspek ay dati nang sumuko at dati nang naaresto ng CIU sa parehong paglabag sa ilalim ng COPLAN “SUN” ng PNP IMEG.

Sa ngayon inihahanda na ng mga awtodidad ang isasampa na kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *