Awra Briguela, humingi ng tawad sa mga taong naapektuhan sa insidenteng kinasangkutan niya

Naglabas ng open letter ang dating child star na si Awra Briguela hinggil sa mga isyung kinasangkutan nito.

Una itong humingi ng tawad sa kaniyang pamilya dahil mas pinili niya raw na magpakasaya at takbuhan ang kanilang problema imbis na pag-usapan at ayusin ito.

Inamin ni Awra na nagbago at nag-iba ang ugali niya pero pipilitin niya raw na maging mabuti at susubukan na niyang ayusin ang kaniyang mga desisyon sa buhay.

Humiling din ang aktor na sana’y huwag magsawa ang kaniyang pamilya na bigyan siya ng pagkakataon na bumawi sa lahat ng kaniyang pagkakamali.

Mababatid, nakulong si Awra noong Hunyo 2023 matapos ang gulo sa isang club sa Makati ngunit nakalaya rin makaraan ang ilang araw matapos makapag-piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *