Ayuda programs ng gobyerno, dapat daw sabayan ng umento sa sahod

Naniniwala si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan na napapanahon na rin ang implementasyon ng minimum wage hike sa mga manggagawa kasabay ng ilulunsad na ayuda program ng gobyerno ngayong taon.

Ayon kay Libanan, dapat sabayan ito ng 30 hanggang 50 pesos na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa labing-anim na rehiyon.

Umaasa ang leader ng minorya na malaki ang maitutulong ng pinalawig na ayuda o cash transfers at iba pang subsidy programs na ipamamahagi ng pamahalaan ngayong 2024.

Partikular na tinukoy ng kongresista ang “Ayuda sa Kapos ang Kita” o AKAP kung saan bibigyan ng tig-limanlibong pisong one-time cash assistance ang labindalawang milyong pamilyang benepisiyaryo na mahihirap at mababa ang kita.

Bukod dito, maglalaan ng tatlumpung bilyong pisong pondo para sa TUPAD program ng DOLE at 23 billion pesos para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *