Azkals nakalasap ng talo vs China sa World Cup qualifiers, 2-0

Paliit ng paliit ang tiyansa ng Philippine Football team Azkals na makapasok sa FIFA World Cup.

Ito ay matapos makalasap ng pagkatalo sa laban sa China, 2-0, sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup and 2023 AFC Asian Cup joint qualifiers na ginaganap sa United Arab Emirates.

Naging maganda ang laro ng Azkals sa 1st half ng laban kung saan nagawa nitong maitabla sa 0-0 score sa unang 45 minuto.

Subalit pagsapit ng 57th minute, hindi napigilan ni Azkals goalkeeper Bernd Schipmann ang sipa ni Wu Lei para sa unang goal ng Chinese squad.

Dinagdagan pa ito ni Wu Xinghan pagdating ng 65th minute para maging 2-0 lead.

Nagkaroon naman ng dalawang pagkakataon ang Pilipinas na maka-goal sa first half subalit bigo ang dalawang sipa ni Mark Hartmann.

Sa ngayon nasa ikatlong pwesto ang Azkals sa Group A at kailangan nitong talunin ang koponan ng Guam sa Biyernes upang manatling buhay sa Asian Cup.

Makakaharap naman ng Philippine team ang Maldives sa June 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *