Babae, arestado ng 2 bilang sa kasong panggagahasa ng bata sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Himas-rehas ngayon ang municipal most wanted rerson na babae matapos maaresto sa dalawang kasong statutory rape o panggagahasa ng menor de edad sa P-1, Brgy. Poblacion sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Tintin”, 54-anyos, residente ng Kenny Village Brgy. Mauraro ng nasabing bayan.

Ayon sa report, umaga nang puntahan ng Guinobatan MPS, kasabay ang CIDG Albay PFU at 1st Albay PMFC ang lugar na kinaroroonan ng akusado na may bitbit na warrant of arrest na pirmado noong Hulyo 29, 2022 sa nasabing kaso.

Wala ring ibinigay na rekomendadong piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Napag-alaman din na dalawang beses ginahasa ng suspek ang menor de edad.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya na ng Guinobatan MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *