Naga

Babae dinukot umano ng puting van sa Camarines Sur; Punong Barangay naniniwalang hindi insidente ng kidnapping

NAGA CITY – Dinukot umano ng isang puting van ang isang babaeng residente ng Ayugan, Ocampo, Camarines Sur base sa abiso sa publiko ng isang barangay official ng Himaao bayan ng Pili, ibinaba umano ang babae sa may unahan ng Barangay Anayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLTCOL. Allan Macoy, Hepe ng Pili PNP, sinabi nitong walang reported sa kanila ng nasabing pangyayari.

Sa panayam naman ng BNFM Naga kay PMaj. Ryan Bagasala ng Ocampo Municipal Police Station kinumpirma nito na nakarating na sa kanila ang impormasyon, na kanila namang beniberipika.

Isinalaysay sa BNFM Naga ni Ayugan Punong Barangay Alden Nacario ang kwento ng babae na hindi niya mabatid kung dalagita pa o nasa hustong gulang na.

Takot na takot ang isang babae nang dalhin sa kanila nang madaanan ng isang residente, hindi nito maipaliwanag kung papapaano siya napunta sa isang puting van.

Napag-alaman na pupunta sa Maynila ang babae at bibili muna ng tableta sa Himaao Pili, kontra sa pagkahilo.

Ayon sa opisyal, parang na-hypnotized daw ang babae at walang pagdadalawang isip na sumakay ito sa naturang van at pagkatapos ay pinababa ito sa madilim na parte ng Barangay Sagrada, Pili Camarines Sur.

Binigyan diin ni Kapitan na sa tingin niya ay hindi ito kaso ng kidnapping, sinabi rin ng ina na hinahanap na talaga nila ang anak. Gayunpaman pinag-iingat ang lahat.

Inabisuhan na ng council ang pamilya ng babae na makipag-ugnayan na sa PNP.

Nais din na maging klaro kung ano nga ba ang totoong nangyari.

BNFM Naga

Recent Posts

Driver sa Ceres Bus gibilanggo human nga nakaligis-patay og motorista

Gitanggong karon sa prisohan ang drayber sa Ceres Bus ug gipaabot nga mapasakaan og kasong…

7 hours ago

269,100 milliliters sa dugo, nakolekta sa BNFM Butuan

Daghang bag sa dugo ang makolekta kun ang tanan magpakabana, molambigit, ug magpakuha sa kaugalingong…

8 hours ago

Ex-convict gidakdaka’g bato ug gidunggab patay

Patay ng napalgan ang usa ka exconvict nga nag buy-od sa yuta alas 11:50 kagabii…

9 hours ago

Ex-convict gipusil-patay samtang natulog sa e-bike

Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…

10 hours ago

DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…

10 hours ago

DA – wi-nelcome ang pag-certify as urgent ni PBBM sa RTL

Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…

10 hours ago