Babae, inaresto dahil sa kaniyang librong nagtuturo kung paano mang-scam sa mga sugar daddy

Marami sa atin ang natatakot at umiiwas upang hindi maloko at maging biktima ng scammers.

Ngunit, paano na lamang kung matuto ka na lamang din mang-scam dahil sa isang libro na nagtuturo para huthutan ang mga lalaki o matatanda na sinasabing “sugar daddy”

Kaya naman mistulang naging isang banta ang librong isinulat ng 25-anyos na si Mai Watanabe ng Naka-ku, Nagoya na nagbibigay ng tips para makapanloko.

Ang librong ito ay ginawa para sa mga babaeng nais kumita ng pera sa tulong ng pagkakaroon ng sugar daddy.

Ngunit, bago pa man maaresto ay nakapagbenta na si Watanabe ng aabot sa 2000 kopya ng naturang libro. WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *