Babae, nalunod-patay sa Sampaloc, Quezon

Patay ang isang babae matapos itong malunod sa Maapon River sa Sampaloc, Quezon nitong Linggo, Marso 31.

Ayon sa police report, naglangoy umano ang biktima sa nasabing ilog kasama ang kaniyang asawa at kanilang mga kaibigan bilang selebrasyon ng Linggo ng Pagkabuhay

Napansin na lamang ng asawa na hindi nila kasama ang biktima nang mag-uwian sila kung kaya humingi ito ng tulong sa mga awtoridad.

Abril 1 na nang matagpuan ng isang magsasaka ang biktima na palutang-lutang sa ilog at wala ng buhay.

Kinumpirma naman ng attending physician ng biktima na pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng kaanak ang mga labi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *