Luzon

Babae, patay nang paghahampasin ng tubo sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang babae matapos umano itong paghahampasin gamit ang isang bakal na tubo sa Sitio Hilirang Buli, Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon nitong Sabado, Pebrero 25.

Kinilala ang biktima na si Joana Marie Aguilar Pavino, nasa hustong gulang, habang ang suspek naman ay si Michael Perez Atienza, 33-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, narinig umano ng mga kapitbahay na nagkaroon ng mainit na alitan sa pagitan ng dalawa.

Kung saan, sa gitna nito ay kumuha ng bakal na tubo si Palivino na nasa pader ng kanilang bahay subalit inagaw ito ni Atienza.

Doon na pinaghahampas ni Atienza ang biktima sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na nagresulta sa agaran nitong pagpanaw.

Kasalukuyan na ngayong tinutugis ang naturang suspek na nahaharap sa kasong Homicide.

BNFM Lucena

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

22 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

35 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

43 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

47 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

53 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago