Babae sa South Africa, pang world record matapos manganak ng 10

Mukhang mayroon nang makakakuha ng panibagong world record sa Guinness Book matapos na magsilang ng sampong sanggol ang isang 37-anyos na babae sa South Africa.

Unang inakalang sextuplets ang anak ni Gosiame Thamara Sithole base sa pagsusuri pero kinalaunan ay sinabi ng doktor na walo pala ito matapos na may mamissed ang unang scan.

Pero laking gulat nila nang isagawa ang caesarean operation sa Preturia hospital dahil hindi lang pala anim o walo ang sanggol sa sinapupunan ni Sithole kundi sampo o decuplets.

Kinumpirma ng ama ng mga sanggol na si Teboho Tsotetsi na pitong lalaki at tatlong babae ang isinilang ng kanyang misis.

Ayon sa mag-asawa, nagulat sila lalo na at wala naman umanong ginamit na anumang fertility treatment ang kanyang asawa.

Ayon naman kay SIthole, nanalangin na lamang umano siya na mailuwal niya ng maayos at buhay ang mga sanggol.

Ayon kay Professor Dini Mawela, deputy head ng school of medicine sa Sefako Makgatho Health Sciences University, sobrang hindi pangkaraniwan para sa isang babae ang magbuntis ng ganun kadami nanag walang fertility treatments.

Dahil nga sa sobrang dami ng mga ito na nagsiksikan sa sinapupunan ni Sithole ay maliliit ang mga sanggol kung kaya kinakailangan ng mga itong manatili muna sa incubator ng ilang linggo bago mapayagang makauwi.

Dahil dito, malalagpasan na ni Sithole ang pinakahuling world record na naitala ni Halima Cisse ng Morocco matapos itong magsilang ng siyam na sanggol nitong May 2021.

Naagaw ni Cisse ang record kay Nadya Suleman ng California matapos itong magsilang ng walong sanggol noong 2009.### || Shiela Madrigalejos

Photo: News central africa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *