Babaeng hindi pumayag na maghati sa babayaran ng kaniyang ka-date, inereklamo ng lalaki sa pulisya

Kung mayroon ka man magiging ka-date, sino ba dapat ang taya para sa mga babayaran?

Sabi ng karamihan, lalaki raw dapat magbayad sa mga gastos sa date.

Sabi naman ng iilan, dapat hati umano sa babayaran para walang lugi o pantay lamang.

Ngunit, kamakailan lamang ay mayroong pangyayari na iniwanan na lamang ang lalaki ng kaniyang ka-date matapos na sabihin na hati umano sila ng babae sa pagbayad sa kanilang mga na-order.

Ang malala pa rito, humantong ito sa pagrereklamo sa pulisya dahl sa hindi pumayag ang babae na paghatian ang kanilang babayaran na umabot lang naman sa mahigit P9, 000.

Sa ngayon, usap-usapan ang pangyayaring ito na siya naman talagang nagbigay interes sa karamihan kung sino nga ba naman talaga ang kailangan magbayad sa tuwing magkakaroon ng isang date.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *