Babaeng nagpakilalang organizer ng K-pop Concerts, arestado; Isang pulis, nabiktima rin

Arestado ang isang babae na nagpapakilalang events organizer na nag-aalok ng 50% commission kapag nag-invest sa Kpop concert na kanila umanong inoorganisa.

Kabilang sa nabiktima ay isang police lieutenant at isang negosyante.

Umabot na sa P51M ang nakulimbat ng suspek mula sa dalawang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mula pa noong Enero nanghihingi na ang nagpakilalang events organizer at iba pang kasamahan sa mga target investors para sa concert ng Kpop at pati na rin sa mga foreign artists.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), lehitimo ang kumpanya pero hindi nito ibinabalik ang perang ipinangako sa investors kaya sasampahan ng kasong estafa ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *