Babaeng namakyaw ng mga imported na damit gamit ang pekeng bank transactions, arestado

Arestado sa entrapment operation ng mga tauhan ng PNP-Anti-Cyber Crime Groupang isang babaeng gumamit ng mga pekeng bank transactions at namakyaw ng mga damit na ibinebentang online.

Kinilala ng PNP-ACG ang suspek na si Mayumi Jane Ocubo alias “Sofia Lim” residente ng Pilar Village, Las Piñas City.

Batay sa reklamo ng online seller ng thailand at japan clothing products na si Camille Arcibal, una niyang nakilala si Ocubo sa kanyang live online selling sa facebook noong october 25, 2023 nang ito ay bumili ng damit na nagkakahalaga ng mahigit 1,200-pesos.

Sinabi ng suspek nagbayad daw ito sa pamamagitan ng online bank transfer at nagpadala pa ng kanyang proof of payment.

Sa imbestigasyon ng pnp-acg, ang minsang pag-order ay nasundan pa ng maraming beses hanggang sa umabot ng mahigit 237-thousand pesos na gaya ng una ay binayaran gamit ang online banking.

Pero nang mag-berepika ang online seller sa kanyang bank account ay natuklasan nito na pawang mga peke ang ipinapadala sa kanya na mga bank transactions.

Dahil dito ay agad nagpasaklolo si Arcibal sa tanggapan ng district anti-cyber crime team sa lungsod ng maynila at naaresto ang suspek na nahahahrap sa mga kasong paglabag sa ra 10175 o ang cybercrime prevention act of 2012 at swindling o estafa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *