Babaeng nangulila sa namayapang Ama, ti-next ang dati nitong number at may nag-reply?

Kapag nakatanggap ka ng text reply mula sa isang taong pumanaw na, ano ang magiging reaksyon mo

Isang babae na nangangalang “Kathy”, na dahil sa matinding pangungulila sa namayapa niyang mahal sa buhay, ti-next ang dating cellphone number ng kanyang  Ama.

Isang araw, nagulat na lamang si Kathy nang makatanggap siya ng reply mula rito.

Nagpalitan ng ilang mensahe ang dalawa at laking gulat pa ni Kathy nang sabihin ng hindi nagpakilalang may-ari ng dating number ng kanyang Ama  na “Lucky” ang pangalan ng alaga nitong pusa, kapangalan ng pet ng pumanaw niyang Ama.

Na-realize ni Kathy na dahil matagal nang patay ang kanyang ama, ipinagamit na ng telecommunication company ang number nito sa ibang customer. Gayunpaman, matapos malaman ng bagong may-ari ng cellphone number ang kalagayan ni Kathy, nais niya itong mayakap para maibsan ang lungkot na nararamdaman nito.

Ibinahagi ni Kathy ang kakaibang experience na ito sa Reddit noong November 27, 2023 at umani ng magagandang komento tulad ng, “That is not a random coincidence. Signs are everywhere, and you just received one from your father.” ### JEREMY LESNIANA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *