Babaeng, sugatan matapos holdapin sa CR ng isang mall sa Quezon City

Sugatan ang isang babaeng negosyante matapos itong hinoldap sa loob ng isang CR ng mall sa Quezon City.

Kaugnay rito, nakuha ng mga kawatan sa biktima ang dalawang cellphone.

Ayon kay QCPD Deputy Station Commander Police Maj. Mike Diaz – sa labas pa lamang ng establisyemento, napansin na ng businessman na sinusundan na siya ng mga suspek.

Dagdag pa ni Diaz, nang makapasok ang biktima sa mall ay nakaramdam na siya’y ligtas dahil hindi ito humingi ng tulong sa security.

Batay sa ocular investigation, may nakitang basag na bote ang mga imbestigador at posibleng aniyang ito ang ginamit ng mga salarin.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng CCTV backtracking ang QCPD.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *