Babaeng umano’y tulak, arestado sa buy bust ops sa Cauayan City

Arestado ang isang babae sa pagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy.San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Karla Dela Cruz, 29 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Lanting, Roxas, Isabela.

Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib pwersa ng mga kasapi ng PNP Cauayan City at PDEA Region 2 kung saan positibong nabili ng poseur buyer sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Tinatayang may timbang na 0.51 grams ang naturang shabu na may katumbas na halaga na 3, 468 DDB.

Nakumpiska rin ng mga operatiba sa pag-iingat ni Delacruz ang isang cellphone at pera na nagkakahalaga ng 40 pesos.

Napag-alaman din na una na itong nahuli sa kapatehong kaso noong 2018 kung saan nakalabas ito dahil sa plea bargaining at aminadong sa kaniya ang nabiling shabu bagaman tumanggi na itong mag patape interview.

Mahaharap si Dela Cruz sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangèrous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *