Babala ni PRRD vs tatangging magpabakuna, firm reminder sa kahalagahan ng vaccination para labanan ang pandemic- Go

Nilinaw ni Senator Christopher “Bong” Go na ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikukulong ang mga tao na tatangging magpabakuna laban sa COVID-19 ay isang form of exasperation lang.

Paliwanag ni Go, dismayado lang si Duterte sa mga ayaw kumuha ng vaccine shots.

“Abogado po ang Pangulo at exasperated na po si Pangulo. Ganun talaga magsalita si Pangulong Duterte pag exasperated na siya. Isipin niyo lang po pinaghirapan natin itong bakuna. Noon po hinahanap nila, nasaan ang bakuna? Nu’ng dumating ang bakuna, anong klaseng bakuna? Ngayon, nandiyan ang bakuna, (dapat) magpaturok na po kayo,” paliwanag ni Go.

“Out of exasperation and frustration na rin po. Ika nga, huwag niyo pong sayangin ang ating bakuna. Form of encouragement po ‘yun na magpabakuna na ho kayo,” dagdag nito.

Ayon sa senador ang pagpapabakuna ay isang mahalagang hakbang para sa bansa na makabalik sa normal, sa pamamagitan ng pagkamit sa population protection, at kalauna’y herd immunity.

“Kung gusto niyong bumalik sa normal na buhay ngayong taon na ito, ang ating target naman dito makamtan natin ‘yung population protection then going to herd immunity ngayong taon para naman po sumaya ang ating Pasko. Kung gusto niyong maging normal ang inyong buhay, eh, pabakuna na po kayo,” saad ni Go.

Samantala, tiniyak naman nito na mas marami pang COVID-19 jabs ang nakatakdang ideliver sa critical areas, gaya sa Iloilo City, para mapigilan ang tumataas nilang bilang ng infections.

“Noong isang araw po, ako po mismo nag-initiate ng conference call between (Department of Health) Secretary (Francisco) Duque, Secretary (Carlito) Galvez, and Mayor (Jerry) Treñas at nakiusap po ako sa IATF, tulungan kaagad ‘yung Iloilo. ‘Yung araw mismo na narinig ko po, nananawagan si Mayor Treñas sa telebisyon,” pahayag ni Go.

“So, magpapadala po ng around 20,000 doses ng Sinovac sa Iloilo at around 5,000 doses po ng Pfizer kaagad sa Iloilo para tulungan kaagad ang ating mga kababayan doon,” dagdag nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *