Background ng itinalagang CEO ng MIC, makahihikayat ng investors -Solon

Malaki ang kumpiyansa ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda sa pagkakatalaga kay Rafael Jose Consing bilang President at CEO ng Maharlika Investment Corporation.

Ayon kay Salceda, malawak ang karanasan ni Consing sa financial management at pangangasiwa ng malalaking proyektong pang-imprastraktura.

Ipinunto nito na may background si Consing sa finance, development at public administration na mahalagang bahagi ng Maharlika.

Kabilang aniya rito ang project financing ng 398 million-dollar deal para sa Victoria International Container Terminal kung saan tumanggap ng iba’t ibang parangal si Consing.

Ibinida rin ni Salceda na naging chairperson si Consing ng limang kumpanya gaya ng Laguna Gateway Inland Container Terminal Inc.

Makahihikayat umano ng maraming investments sa MIF ang bagong opisyal lalo’t binigyan din ito ng pagkilala bilang Best CFO for Investor Relations.

Bukod sa academic background sa public governance, nakatrabaho ni Salceda sina Consing at ang Office of the Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs sa pagbuo ng amendments sa CREATE Law at Public-Private Partnership Code.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *