Bagong aggression sa WPS, kinabahala ng European Union

Nagpahayag ng pagkabahala si EU Ambassador Luc Veron sa panibagong ‘aggression’ ng China laban sa bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang X post, nangamba si Veron hinggil sa “pattern of dangerous maneuvers and blocking’ mula sa Chinese Coast Guard vessels at Maritime Militia na nanta-target sa Philippine vessels na nagsasagawa ng resupply mission sa lugar.

Dahil ito, binibigyang-diin ng EU ang panawagan sa lahat ng parties na sumunod sa 2016 Arbitration Award at international law para sa mapayapang pagresolba sa mga awayan na siyang makatitiyak naman sa kaligtasan sa maritime waters.

Mababatid na kaninang umaga, naglabas ng video ang philippine Coast Guard kung saan hinaharangan ng CCG ship ang bahaging dinadaanan ng mas maliit na Philippine ship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *