Bagong batch ng Moderna COVID-19 vaccines, dumating sa bansa

Dumating ngayong Linggo ang karagdagang COVID-19 vaccines mula sa vaccine manufacturer na Moderna. 

Lulan ng Singapore Airlines flight SQ912, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang 469,200 doses ng nasabing bakuna.

Sa 469,200 doses, 319,200 sa mga ito ay binili ng gobyerno ng Pilipinas habang ang 150,000 naman ay binili ng pribadong sektor.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan pang may darating na 14 milyong vaccine doses sa bansa. 

Nakiusap din sya sa publiko ng pang-unawa at nagbabala laban sa mga nagpapaturok na ng booster shots.

Sa kabuuang tala ng gobyerno noong Miyerkules, nasa 12,027,383 na ang fully vaccinated sa bansa habang nasa 14,100,119 pa ang naghihintay sa second dose ng kanilang bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *