Bagong C-130 tactical transport aircraft ng PAF na ipinagkaloob ng US, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa ang bagong C-130 tactical transport aircraft ng Philippine Air Force.

Wi-nelcome ito ng PAF sa pamamagitan ng water cannon salute nang lumapag ito sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief, COL MA CONSUELO CASTILLO, ang C-130H na ito ay pangalawa sa dalawang C-130 aircraft na ipinagkaloob ng U.S. government sa pamamagitan ng Excess Defense Articles (EDA) Program.

Ang unang C-130 ay naideliver sa bansa noong January 2021.

Ayon sa PAF, ang karagdagan C-130 ay magpapalakas sa cargo airlift fleet ng PAF at susuporta sa humanitarian assistance, disaster relief operations, at iba’t ibang military missions.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *