Bagong DA Sec., dapat ipatigil na ang importation ng mga agricultural products– PAMALAKAYA

Inaasahan ng isang samahan ng fisherfolk sa bansa na maraming mababago sa usapin ng agrikultura ngayong may naitalaga ng full pledge Department of Agriculture (DA) Secretary.

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay Fernando “Ka Pando” Hicap, National Chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA, sinabi nito ang ilan sa kanilang inaasahan sa bagong kalihim ng DA.

Ayon kay Ka Pando, hindi masasabing stable ang supply ng mga pagkain sa dito sa Pilipinas kung puro angkat sa ibang bansa ang mga nabibili sa merkado.

Bukod sa pagpapatigil sa importation ay nanawagan din si Hicap, na sanay tutukan ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang tulong pinansyal na ibibigay sa mga municipal fisherman na apektado ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo kaya halos wala ng naiuuwing kita sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *