Bagong diskarte sa pagharap sa mga banta sa seguridad sa bansa, iniutos ng Pangulo

Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kauna-unahang Command Conference ng Armed Forces of the Philippines ngayong 2024.

Ayon kay AFP Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner, iniutos ng Pangulo ang Reconfiguration at paggamit ng mga bagong diskarte sa pagharap sa mga banta sa seguridad sa bansa.

Ito ang paglaban sa sa Local at Communist Terrorist Group, patuloy na pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea at maging sa mga natural disasters.

Kasunod niyan, ipinakilala na rin ni Gen. Brawner si Col. Francel Bernadeth Padilla bilang bagong tagapagsalita ng AFP kapalit ni Col. Medel Aguilar na mananatili naman bilang Deputy Chief ng Civil Relations Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *