Bagong edisyon ng ‘The Voice Teens’, magsisimula na ngayong weekend

Magbubukas nang muli ang pinakamalaking reality-singing competition sa bansa na bida ang Kabataang Pinoy.

Kasabay ang muling pagbabalik nina Coach Bamboo, KZ Tandingan, at Martin Nievera upang muling gabayan ang bagong batch ng mga young artist na pangarap pa rin ang puhunan at boses ang labanan para maging kampeon ng “The Voice Teens”.

Magsisimula na ito ngayong darating na Sabado at Linggo (Pebrero 17 & 18).

Ibinahagi ni Rockstar Royalty Bamboo na hindi siya nakakaramdam ng pressure para muling maging winning coach sa bagong season ng reality singing competition.

Ito ay matapos magkaroon ng dalawang “The Voice” champion ang Kamp Kawayan.

Para naman kay Asia’s Soul Supreme KZ, na bumalik para sa kanyang ikalawang taon bilang coach, ang hinahanap niya ngayon ay ang mga young artist na aniya’y talagang gutom at sabik na mapabilang sa kumpetisyon.

“I am looking for artists who are truly hungry to be in ‘The Voice Teens’ kasi mararamdaman mo ‘yun, maririnig mo ‘yun, kahit ‘di mo sila nakikita. Maririnig mo if they are really singing from somewhere deeper,” paliwanag ng coach ng Team Supreme.

Ayon naman kay Concert King Martin Nievera, mas naging malapit sila ng kanyang mga kapwa coach ngayong taon matapos ang “The Voice Kids” noong nakaraang 2023.

Bukod sa mga coaches, nagbabalik din bilang hosts sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez, habang ang alumni ng “The Voice Teens” na sina Jeremy Glinoga at Lorraine Galvez mula sa Season 1 at Season 2 grand champions na sina Isang Manlapaz at Kendra Aguirre ang online hosts ng “The Voice Teens ” DIGITV.

Nabatid na isa ang ‘The Voice’ sa pinakamatagumpay na talent-reality show na nakadiskubre at gumabay sa mga nangangarap na mang-aawit mula sa iba’t ibang edition at season ng programa na ngayon ay gumagawa na ng sarili nilang marka sa industriya.

Nong July 30, 2017 nang itanghal ang kauna-unahang The Voice Teens Champion na si Jona Marie Soquite ng Team Sarah.

Noong 2020 naman, apat ang itinanghal na champion na sila Heart Salvador ng Kamp Kawayan, Cydel Gabutero ng FamiLEA, Isang Manlapaz ng Team Apl, at Kendra Aguirre ng Team Sarah.

Para sa mga Kabataan, Let you voice be heard!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *