Bagong Food Court sa Mercedes Municipal Fish Port papasinayaan na bukas

CAMARINES NORTE- Nakatakdang pasinayaan bukas ng umaga Marso 25 ang bago at mas maayos na Food Court sa loob ng Mercedes Municipal Fish Port.

Kanina ay abala na ang ilang may pwesto sa paglilinis at pagsasaayos para sa gagawing opening bukas.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng Lokal na Pamahalaan noong 2020.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan kailangang mapagtuunan ng pansin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kainan sa Fish Port o mas kilala sa tawag na pandawan dahil unti- unti na raw itong nakikilala sa labas ng lalawigan.

Marami ring mga kilalang tao mula sa ibang lugar na kapag pumupunta dito sa Camarines Norte ay kumakain sa pandawan.

Itinuturing ng LGU na isa ito sa pinaka importanteng proyekto sa economic enterprise.

Hindi lang kasi umano dapat umasa ang LGU sa mga ordinaryong buwis na pumapasok sa kaban ng bayan kundi dapat maghanap ng iba pang sources of income.

Noong 2018 ay nasa P7. 3 milyon ang kabuuang income ng fish port at nadagdagan ito ng sumunod na taon na mayroong P7. 5 milyon.

Nang tumama ang COVID- 19 pandemic noong 2020 ay bumaba ang income na mula sa P7. 5 milyon ay naging P6.5 milyon na lang.

Agosto nang nakaraang taon ng isagawa ang ground breaking para sa naturang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *