Bagong guidelines vs. health protocol violators, posibleng maipatupad sa susunod na linggo – DILG

Inihayag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na posibleng sa Lunes matatapos na ng DILG ang pagreview sa guidelines sa pag-aresto sa mga hindi sumusunod sa health protocols.

Ayon kay Malaya, bagama’t nalagdaan na ito ng Department of Justice, kailangan pa itong mapirmahan ni Sec. Eduardo Año at PNP chief Guillermo Eleazar.

Hindi naman idinetalye ni Malaya ang nilalaman ng bagong guidelines subalit tiniyak nitong hindi ito sasalungat sa mga ordinansa ng mga LGUs laban sa mga residenteng hindi sumusunod sa health and safety protocols.

Dagdag pa ni Malaya na minodify lamang ng guidelines ang lahat ng mga umiiral na batas sa pag-aresto sa mga sumusuway sa COVID-19 restrictions.

Nilinaw din ng opisyal na nakadepende sa ordinansa ng LGU kung ano ang parusang ipapataw sa mga lumalabag katulad  ng hindi nagsusuot o hindi tama ang pagsusuot ng facemasks.// LEY BAGUIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *